UNANG SIMBANG GABI GENERALLY PEACEFUL

IPINAGMAMALAKI ng Philippine National Police ma masasabing generally peaceful ang selebrasyon ng unang Simbang Gabi na hudyat ng nalalapit na kapaskuhan dahil walang naitalang krimen o untoward incident ang mga awtoridad.

Ito ay sa gitna ng libo-libong tao na dumalo sa unang Simbang Gabi, ayon kay PNP spokesperson P/BGen. Jean Fajardo.

Magugunitang inihayag ng PNP National Capital Region Police Office na mahigit sampung libong pulis ang kanilang ikinalat kaugnay sa tradisyunal na Simbang Gabi bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga mananampalataya.

“Ilang oras pa lang bago ang Simbang Gabi, naka-deploy na ang mga pulis. Meron ding inilagay na police assistance desk, maliban pa sa mobile at police patrol sa paligid ng simbahan,” ani BGen. Fajardo.

“Patuloy ang koordinasyon sa ibang ahensya ng gobyerno para siguraduhin na naka-ready tayo at name-maintain ang proactive stance to make sure secured and safe ang holiday season,” aniya pa.

Tiniyak din ng PNP-NCRPO na tuloy-tuloy ang kanilang pagbibigay seguridad mula sa pagsisimula ng Simbang Gabi hanggang sa Bisperas ng Pasko.

Ayon kay NCRPO chief, PBGen. Anthony Aberin, bukod sa mga pulis na ipinakalat sa mga simbahan, may mga pulis din ang naka-station sa lahat ng transportation hubs.

Pinalalahanan din ni Aberin ang publiko na mag-ingat sa mga snatcher at salisi lalo na sa matataong mga lugar.

Sinabi pa ni Aberin, huhugot sila ng dagdag na personnel mula District Mobile Force Battalion at Regional Mobile Force Battalion na magsisilbing augmentation force.

Ang Simbang Gabi ay siyam na araw na serye ng mga misa na dinadaluhan ng sambayanang Pilipino na bahagi ng tradisyon bago ang mismong araw ng Pasko.

May ginaganap na anticipated mass sa gabi habang ang misa para sa madaling araw ay ginaganap bandang alas-3:00 ng madaling araw. (JESSE KABEL RUIZ)

7

Related posts

Leave a Comment