VENDORS SA LAGUSNILAD UNDERPASS, AALISIN

underpass33

(NI HARVEY PEREZ)

KASUNOD ng pagpapaalis sa mga vendors sa paligid ng Bonifacio Shrine, isusunod naman aalisin  ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno’ Domagoso ang lahat ng vendors na nagsisiksikan sa Lagusnilad undepass sa tabi ng Manila City Hall.

Nalaman na kaagad na iniutos ni  Secretary to the Mayor  Bernadito Ang na ipatupad ang pagpapaalis sa mga vendor matapos niyang i-revoke ang ipinagkaloob na special permit kay Samira Datucan, may-ari ng SBD Events and Exhibit Management na siyang organizer ng malaking bilang ng mga vendors na nagtitinda sa ilalim ng Lagusnilad underpass.

Nabatid kay  Ang na nilabag umano si Datucan  sa special permit condition no.3 kung saan dapat na ang lahat ng stall holders ay dapat na kumuha ng Mayor’s permit at dapat na magbayad ng kaukulang tax at permit sa City hall.

Gayundin, nabigo si Datucan na makapagprisinta ng katibayan na nagbabayad siya ng elektrisidad na ginagamit ng mga vendors sa Lagusnilad underpass.

Ito umano ang dahilan kaya kaagad na ni-revoke ni Ang ang permit na ipinagkaloob kay Datucan na epektibo mula Enero 1, 2019 hanggang Disyembre 31,2019.

Samantala, ayon kay Chief of Staff Cezar Chavez pormal na iaanunsiyo ni Moreno ang pagpapaalis sa mga vendors sa Lunes.

Hindi lamang ang mga vendors sa Lagusnilad ang nanganganib na maalis kundi ang mga vendors rin  na hawak rin ng organizer sa Victory underpass sa Quiapo.

Una nang sinabi ni Moreno na hindi uubra na isa lamang ang permit ng vendors dapat lahat sila ay kukuha ng permit sa City Hall.

179

Related posts

Leave a Comment