VERDICT SA KILLERS NI ATIO DAPAT MAGSILBING BABALA

DAPAT magsilbi nang babala sa mga fraternity at sorority ang naging conviction sa mga sangkot sa hazing at pagpatay kay Horacio ‘Atio’ Castillo.

Ito ang pahayag ni Senador Juan Miguel Zubiri sa pagpapalabas ng hatol ng korte ng pitong taon matapos ang brutal at walang saysay na pagkamatay ni Castillo.

Sinabi ni Zubiri na matagal ang pitong taong paghihintay at bagama’t hindi na maibabalik ng hatol ng korte ang buhay ni Atio, umaasa ang senador na makapagpapaluwag ito ng kalooban ng kanyang pamilya na ilang taong nakipaglaban para sa hustisya.

Ang hatol anyang ito ay malinaw na mensahe na walang sinoman ang nakahihigit sa batas at ang lahat ng may sala ay dapat managot.

“Matagal ang pitong taong paghihintay. And while the court’s verdict will not bring Atio back, we hope it provides some comfort to his family who fought for justice all these years. Para sa akin, nakamit ang hustisya sa kaso ni Atio,” saad ni Zubiri.

Iginiit ni Zubiri na panahon nang tuldukan ang hazing sa mga organisasyon. (DANG SAMSON-GARCIA)

31

Related posts

Leave a Comment