MGA APLIKANTE BILANG ASSOCIATE JUSTICE NG SC INILABAS NG JBC

INILABAS ng Judicial and Bar Council (JBC) ang listahan ng mga aplikante para sa posisyon ng Associate Justice ng Korte Suprema na papalit kay Associate Justice Mario V. Lopez, na magreretiro sa Hunyo 4, 2025.

Ito ay alinsunod sa Seksyon 2, Alituntunin 7 ng 2020-01 Revised Rules of the Judicial and Bar Council, magkakaroon ng pampublikong panayam para sa mga sumusunod na kandidato na isasagawa ng JBC sa Session Hall ng Korte Suprema o ng Court of Appeals.

Mayo 14, Miyerkules
– Nina Antonio Valenzuela
– Ramon Bato Jr.
– Darlene Berberabe
– Maria Rosario Bernardo
– Carlito Calpatura

Mayo 15, Huwebes
– Ramon Cruz
– Maria Elisa Diy
– Myra Garcia-Fernandez
– Fernanda Lampas Peralta

Mayo 16, Biyernes
– Ronaldo Roberto Martin
– Karl Miranda
– Ronald Moreno
– Maria Concepcion Noche

Mayo 21, Miyerkules
– Walter Ong
– Maria Rowena San Pedro
– Manuel Antonio Teehankee
– Raul Villanueva

Ang publiko ay maaaring magsumite ng sinumpaang reklamo, ulat, o pagtutol laban sa alinman sa mga nabanggit na kandidato sa pamamagitan ng koreo o personal na pagsusumite ng tatlong kopyang malinaw na mababasa sa JBC sa Ermita, Maynila; o sa pamamagitan ng elektronikong liham sa jbc@judiciary.gov.ph bago mag-4:30 p.m. ng Mayo 9, 2025.

(JULIET PACOT)

10

Related posts

Leave a Comment