MGA BANSA SA ASYA TINABLA FISHING BAN NG CHINA

WALA ring planong sumunod ang iba pang mga bansa sa Asya sa fishing ban na sinabing ipatutupad ng China sa South China Sea.

“China is out of tune, out of set, they’re out of their minds,” pahayag ni Commodore Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, sa ginanap na regular media briefing kahapon sa Philippine Army headquarters sa Taguig City.

Mistulang lip service o propaganda umano ang bantang pagpapatupad ng unilateral fishing ban ng China sa karagatan na sumasaklaw sa mga pinag-aagawang teritoryo kabilang ang mga lugar na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Trinidad, sa kanilang monitoring ay tuloy-tuloy pa rin umanong nakapangingisda ang mga mamamalakaya sa mga katubigan nasa loob ng EZZ basta hindi lamang papasok sa China controlled Bajo de Masinloc.

Kaya’t nanawagan ito sa mga mangingisdang may agam-agam hinggil sa sinasabing unilateral fishing ban ng China na huwag mag-alala dahil nakahanda ang Philippine Navy at ang buong Sandatahang Lakas na suportahan ang mga ahensya ng gobyerno na responsable sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda.

Inihayag ni Trinidad na may mga nakalatag na silang contingency measures, kasama na ang pagpapalakas sa presensiya ng patrol ships sakaling tumindi ang sitwasyon.

Nabatid na maging ang iba pang neighboring Asian countries gaya ng Malaysia at Indonesia ay nakatatanggap ng ganitong banta subalit hindi rin nila kinikilala ang idineklarang fishing moratorium ng Beijing na nagsimula nitong May 1, 2024 at matatapos hanggang September 16.

Napag-alaman na taon taon ay nagpapatupad ng fishing ban ang China simula pa nuong 2021 subalit wala namang hinuli.

Ang kaibahan lamang aniya ng banta ngayon ay ang inilabas na polisiya ng China para sa kanilang coast guard na arestuhin ang mga “trespassers” without trial. (JESSE KABEL RUIZ)

174

Related posts

Leave a Comment