Mga biktima ng sunog kinalinga AYUDA NI MARCOS RAMDAM DIN SA PATEROS

(NELSON S. BADILLA)

HINDI lang mga naapektuhan ng Bulkang Taal sa ilang bayan ng Batangas, kundi tinulungan din ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. maging ang ilang pamilyang nasunugan sa Pateros kamakailan.

Nag-iisang munisipalidad ng Metro Manila (MM) ang Pateros kung saan maliit lang ang pondong ibinibigay ng pambansang pamahalaan dito.

Sabi ni Marcos: “Sa kabutihang loob ng ating mga kaibigan, nakapagparating tayo ng kaunting tulong sa mga nasalanta ng apoy sa may Pateros kamakailan lang”.

“Ito sana ay makaalalay sa inyong agarang pagbangon mula sa sakunang ito,” patuloy ni Marcos.

Naisipan ni Marcos na tumulong sa mga biktima ng sunog sa Pateros habang ang ibang politikong nasa puwesto sa kasalukuyan ay abalang-abala sa bangayan sa isa’t isa habang papalapit ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre 1 hanggang 8.

Bihirang-bihirang lumabas ang pangalan ni Marcos, o BBM, sa media, ngunit sa sarbey nitong Hunyo ng Pulse Asia ay ikatlo siya sa nangungunang pipiliin ng mga botante sa pagkapresidente ng bansa.

Ang una sa sarbey ay si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, samantalang pangalawa si Manila Mayor Isko Moreno (Francisco Domagoso sa tunay na buhay).

Kaugnay nito, sinaluduhan naman ng mga netizen ang pagpapaabot ng tulong ni Marcos o BBM, sa mga biktima ng sunog sa Pateros.

Umani ng halos 700 comments ang post sa FB page ng dating senador na karamihan ay papuri at pagsaludo sa kanyang pagkalinga sa mga nangangailangan.
Ilan sa mga komento ay:

“BBM2022 ibalik ang bagong lipunan,” post ni AJ Harasaki.

“Sana maging presidente kayo sir BBM,” ayon naman sa username na Jhoy Cabilao.

Post naman ni Nina Cacho Talob: “Keep up! Our future President 2022 BBM”. Habang si Liv Pilarta ay nagpost ng: “Laging si VP Bongbong Marcos ang nangunguna sa pagtulong kung may calamidad! #BongbongMarcosREALVP!

186

Related posts

Leave a Comment