MGA GURO, ISALANG SA COVID TEST

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa gobyerno na bigyang pansin din ang kaligtasan ng mga guro at isalang sila sa COVID-19 test.

Sinabi ni Marcos na maituturing din na frontliners ang mga guro lalo ngayong ilan sa mga ito ay nagsisimula na ring mag-report sa kanilang mga paaralan.

Ipinaliwanag ng senador na bagama’t ipinatutupad ang online enrolment sa mga paaralan, may mga guro pa rin ang nagpupunta sa mga paaralan upang mangasiwa ng registration.

Bukod dito, pagdating anya ng pasukan, kahit ikinukonsidera ang distance learning ay magre-report pa rin ang mga guro.

“Sa kabila ng debate tungkol sa pasukan at online learning, bakit di nababanggit ang pag-COVID testing ng ating mga teachers? Sila ang frontliner sa school registration,” saad ni Marcos.

Ipinaalala ni Marcos na hindi dapat kalimutan ng lahat na nakasalalay pa rin sa mga guro ang pag-aaral ng mga estudyante. (DANG SAMSON-GARCIA)

180

Related posts

Leave a Comment