MGA KONGRESISTA NAG-SELF QUARANTINE

SUMAILALIM na sa self-quarantine ang lahat ng mambabatas kasama ang kanilang mga staff, na dumalo sa special session noong Lunes, Marso 23, matapos magpositibo ang
kanilang kasamahang si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa COVID-19.

“The most responsible thing for me to do at this moment is to undergo a two-week self-quarantine,” ani House Majority leader Martin Romualdez kahit wala umano
siyang close-contact kay Yap.

Ganito rin ang pahayag ni House Minority Leader Benny Abante kung saan maging ang kanyang mga staff ay inabisuhan na sumailalim sa self quarantine bilang tulong sa gobyerno sa pagsugpo sa COVID-19.

Sinabi rin nina Isabela Rep. Tonypet Albano, ACT party-list Rep. France Castro at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na sumasailalim na sila sa self-
quarantine.

Bukod sa mga nabanggit ay dumalo sa special session sina Zamboanga Sibugay Rep.Sharky Palma, Quezon City Rep. Precious Hipolito, Pampanga Rep. Mikey Arroyo, at Iloilo Rep. Janette Garin.

Kasama rin sa mga personal na dumalo sa special session sina House deputy speakers, Raneo Abu ng Batangas, LRay Villafuerte ng Camarines Sur, Roberto Puno ng Antipolo City; Aurelio Gonzales ng Pampanga, Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay, Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jaloslos Jr., Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ng Cavite, Rep. Blu Abaya ng Cavite, at House Speaker Alan Peter Cayetano.

Bago umamin si Yap, isa pang party-list congressman ang maugong na nagpositibo sa COVID-19 subalit hindi pa ito kinukumpirma ng kanyang tanggapan habang may isa pa umanong kongresista sa Luzon ang dalawang linggo nang nakaratay sa pagamutan subalit hindi sinasabi kung ano ang dahilan.

Magugunita na dalawang empleyado na ng Kamara ang unang nakumpirmang nagkaroon ng COVID-19 na ang isa ay chief of staff ng isang Luzon congressman habang ang isa ay empleyado ng Printing Division ng Kapulungan, at kapwa nasawi ang mga ito. BERNARD TAGUINOD

196

Related posts

Leave a Comment