Mga pasyenteng nasa tent sinisingil ng P1K kada oras BANGUNGOT SA OSPITAL

(BERNARD TAGUINOD)

“DYSTOPIAN nightmare.”

Ganito inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang sitwasyon ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na nasa tent na lamang dahil punuan ang mga ospital subalit sinisingil pa ang mga ito ng P1,000 kada oras.

“This is a manifestation of the Duterte era’s dystopian nightmare. Letting patients suffer in tents is one thing, but charging them Php1,000/hour and saying that this is not part of the PhilHealth coverage is just plain evil,” ani Brosas.

Unang isiniwalat ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na may mga ospital na sinisingil ang mga pasyente ng P1,000 kada oras kahit nasa tent lamang ang mga ito dahil wala silang lugar sa loob.

Ayon kay Brosas, walang sinoman ang nakaisip na mararanasan ng mga Pilipino ang ganitong uri ng bangungot dahil hirap na hirap na sila sa kanilang kalagayan ay sinisingil pa ng isang libo kada oras sa loob ng tent.

Hindi inilibre ng mambabatas ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bangungot na ito dahil matapos ang isang taong pandemya ay kahit isang ospital ay wala itong naipatayo gayung kailangang kailangan ito.

“If only President Duterte prioritized building COVID-19 hospitals instead of non-essential infrastructure projects in the national budget, patients wouldn’t have to suffer and die in tents. Pero mahigit isang taon na ang nakalipas mula noong nagdeklara ng lockdown, ni isang ospital walang ipinatayo ang gobyernong ito,” anang mambabatas.

Kasabay nito, pinarerebyu ng mambabatas sa Philippine Health Insurance Corporation (PhiHealth) ang kanyang Circular No. 2020-009 upang isama ang mga pasyente kahit sa tent lamang sila ginagamot.

“PhilHealth must stop frantically fanning the flames of public outrage with mere empty words. The Filipino people deserves more than that. They should release a new set of guidelines for the implementation of COVID-19 benefits and include patients who were forced to stay in non-accredited Community Isolation Unit tents,” ani Brosas kasabay ng paggunita sa World Health Day kahapon.

141

Related posts

Leave a Comment