MGA RESIDENTE SA 2 BARANGAY SA AGONCILLO, BATANGAS INILIKAS

UMABOT sa 2,000 residente ng dalawang barangay ang inilikas sa Agoncillo, Batangas bunsod ng posibleng panganib ng landslide at pagbaha sa nakaambang pananalasa ng Bagyong Leon.

Kabilang sa na-isolate na mga barangay ang Bilibinwang at Banyaga.

Plano naman ng PNP at ng 51st Engineering Brigade ng Army na maglagay ng armored vehicle launched bridge para makapasok ang mga kagamitan at mga magdadala ng relief goods sa na-isolate na mga lugar dahil sa pagkaputol ng kalsada at mga tulay sa Agoncillo – Laurel road. (NILOU DEL CARMEN)

173

Related posts

Leave a Comment