NATAGPUAN na ang bangkay ng isa sa tatlong nawawala sa Agoncillo, Batangas, dahil sa Bagyong Kristine.
Ayon sa Agoncillo Police, ang labi ni Victoria De Sagun Punzalan, 45, taga Brgy. Banyaga, Agoncillo, ay nahukay noong Martes ng tanghali.
Inilibing kaagad ito dahil nasa stage of decomposition na.
Sa tala ng Agoncillo MDRRMO, 12 na ang kumpirmadong nasawi na may kaugnayan sa pananalasa ng bagyo sa nasabing bayan habang dalawa pa ang patuloy na hinahanap ng retrieval teams. (NILOU DEL CARMEN)
