MGA SUNDALO BINALAAN SA PAG-POST SA SOCIAL MEDIA

NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine Army sa kanilang mga tauhan hinggil sa pakikilahok sa social media na maaaring pumabor sa mga kandidato kaugnay sa nalalapit na May 2022 national and local elections.

Inatasan ni Commanding General, Philippine Army (CGPA) Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr. ang lahat ng Army personnel na umiwas sa pagpapaskil o posting, liking, sharing, at  commenting sa mga social media lalo na sa Facebook na politically motivated, controversial at fraud.

Tiniyak din ni Ltgen Brawner na zero-tolerance para sa partisan politics ang Hukbong Katihan.

Pinaalalahanan ng opisyal ang kasundaluhan na manatiling non-partisan kasabay ng pagsisimula ng deployment ng kanilang mga tropa sa buong bansa para suportahan ang Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections sa pagsusulong ng tahimik, mapayapa, maayos at tapat na 2022 National and Local elections.

“All soldiers are directed to maintain a non-partisan stance on issues that are politically controversial, and leaning to electoral candidates and political parties engaged in the elections,” base sa ibinabang direktiba ng CGPA.

Kaugnay nito, mahigpit din ang tagubilin ni Ltgen Brawner sa kanilang mga tropa na sumunod sa Comelec gun ban rules na nagsimula nitong Enero 9 at magtatapos sa Hunyo 8, 2022.

Hindi political
prisoner

Samantala, iginiit kahapon ng Department of National Defense na isang convicted criminal si Juanito Itaas, ang pinalayang preso na sinasabing sangkot sa kontrobersyal na pagpatay kay Colonel James Rowe ng Joint RP-US Military Assistant Group (JUSMAG) Ground Forces Division chief nuong 1989.

Si Itaas na 29 taong nakulong sa New Bilibid Prison ay pinalaya ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 matapos mapagsilbihan ang kanyang sentensiya at mabawas ang katumbas na araw base sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sa statement ni DND Usec. Reynaldo B. Mapagu, chairman, TFBL and EAP Cluster, NTF ELCAC, mali na tagurian si Itaas na isang political detainee o longest detained political activist gaya ng pahayag ng makakaliwang grupo.

“Wrongfully branding Juanito Itaas as a “political prisoner” rather than a criminal as done in recent reports by some media outlets is a misrepresentation of the court’s ruling that convicted him of the murder of US Colonel James Rowe in 1989.”

Nanawagan naman ang grupong Kapatid sa pangunguna ni spokesperson Fides Lim sa gobyerno na hayaang gugulin ni Itaas ang kanyang ‘second life’ nang payapa at walang anomang banta sa seguridad.

“He has already suffered so much and even the US government should realize that in a country where trumped-up political cases are routine, they have the wrong man who was tortured to admit to the killing,” ani Lim.

Nuong 1992, inirekomenda ang pagpapalaya kay Itaas bagay na tinutulan ng US government kaya naudlot ang paglabas nito. (JESSE KABEL)

498

Related posts

Leave a Comment