MGCQ POSIBLE SA MARSO

KUMPIYANSA ang Department of Trade and Industry (DTI) na malaki ang positibong epekto sa ekonomiya ng pagsisimula ng vaccination program ng pamahalaan sakali’t dumating na sa Pilipinas ngayong buwan ang COVID-19 vaccine kaya maaring lumuwag na rin ang quarantine classification partikular sa Metro Manila.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, nakasisiguro siyang muli nitong mapalalakas ang kumpiyansa ng mga konsyumer at kasunod na ang tuluyang pagbabalik sigla ng pagnenegosyo sa bansa.

Ani Sec. Lopez, kapag nakita ng publiko na matagumpay ang vaccination plan ng pamahalaan kontra COVID-19, tiyak na magiging kampante ra rin ang mga ito na lumabas ng bahay.

Kapag aniya lumalabas na kasi ang mga tao ay tiyak na unti- unti na ring babangon at lalakas ang business industry sa Pilipinas.

Una nang inihayag ni Sec. Lopez na kapag tuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 o ng UK variant at nasimulan na rin ang pagbabakuna laban sa virus ay maaaring irekomenda na nila sa
susunod na buwan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ibaba sa MGCQ ang quarantine classification sa Metro Manila at luwagan na rin ang age restriction ng mga pinapayagang makalabas ng bahay. (CHRISTIAN DALE)

181

Related posts

Leave a Comment