Milyones na insentibo hindi matatanggap nang buo P14 MILYON BUWIS BABAYARAN NI HIDILYN

HINDI bababa sa P14 million ang babayarang buwis ni Tokyo Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz mula sa cash at properties incentives na matatanggap nito sa gobyerno at pribadong sektor.

Ito ang nabatid kay House ways and means committee chairman Joey Salceda kaya naghain ito ng panukala na ilibre sa buwis ang insentibo na matatanggap ng kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng gintong medalya sa loob ng 97 taong pagsali ng Pilipinas sa Olympics.

Hanggang kahapon ay umaabot sa P72.5 million ang insentibo ni Hidilyn na kinabibilangan ng cash at properties at sa halagang ito, hindi bababa sa P14.5 million ang babayaran nitong buwis.

“Donors will pay P4.8M but tax shield from deductibility of P15.6-M Hidilyn will pay P14.5 million,” ani Salceda.

Kaya inihain nito ang House Bill (HB) 9891 para hindi na pagbayarin ng buwis si Diaz.

Ayon sa mambabatas, ipapasa sa lalong madaling panahon ang nasabing panukala upang hindi na makihati ang gobyerno sa natanggap na insentibo ni Diaz, bilang pasasalamat sa pagpawi nito sa pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya sa Olympics.

“My instruction to the Committee Secretariat: we will hear this bill without delay. The consensus is there, so expect House passage within weeks. My Committee will have it done before the first half of August is over,” ayon sa mambabatas.

Hindi lamang si Diaz ang makikinabang sa nasabing panukala kundi maging ang ibang atleta na mag-uuwi ng medalya tulad nina Nesthy Petecio at Eumir Marcial.

Coaches pinabibigyan din ng incentives

Itinutulak naman ni Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian na maging ang mga coach ng mga medalist, hindi lamang sa Olympics kundi sa iba pang palakasan ay dapat bigyan ng insentibo.

“Let us all support not only our athletes but their coaches as well, who pushed and persevered and won in this games with their protégé,” pahayag ni Gatchalian dahil nagsakripisyo rin aniya ang mga ito para sa tagumpay ng kanilang mga alagang atleta.

Nais ng mambabatas na kung P10 milyon ang matatanggap ng gold medalist, magkaroon din ng P5 million ang mga coach na nag-alaga sa mga ito para makamit ang medalya. (BERNARD TAGUINOD)

106

Related posts

Leave a Comment