QUEZON – Dalawang lalaki ang sugatan matapos tagain ng kapatid ng isa sa mga biktima nang makipag-inuman ang mga ito sa misis ng suspek sa Tayabas City.
Kinilala ng Quezon Provincial Police Office ang mga biktimang sina Jeffrey Reyes, 37, kapatid ng suspek, at Arnold Villapando, 42, parehong residente ng Barangay Silangang Palale.
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Marvin”, 32-anyos, mabilis na tumakas makaraan ang pananaga.
Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-8:00 noong Huwebes gabi, ang mga biktima, kasama ang misis ng suspek, ay nag-inuman.
Ngunit biglang dumating ang suspek na armado ng itak na kilala sa lokal na tawag na “kawit” at pinagtataga ang dalawang biktima.
Isinugod ang dalawa sa Quezon Medical Center sa Lucena City dahil sa grabeng pinsala sa kanilang katawan.
Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga suspek para madakip ang nasabing suspek na sinampahan ng kasong double frustrated homicide. (NILOU DEL CARMEN)
185
