MISSING PERSON NATAGPUANG PATAY NA CAVITE

CAVITE – Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki na unang ini-report na nawawala, sa isang compound malapit sa tabi ng isang kilalang unibersidad sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa live-in partner ng biktima, noong Hunyo 27 pa nawawala ang biktimang si alyas “Jay”, 31, kaya ini-report nitong missing sa Naic Municipal Police Station (MPS).

At base sa backtracking sa pamamagitan ng Global Positioning System mula sa motorsiklong ginamit ng biktima, natunton ang lokasyon nito sa Brgy. San Gabriel, GMA, Cavite.

Sa koordinasyon ng Naic MPS sa GMA MPS, natagpuan ang bangkay ng biktima sa tabi ng isang unibersidad sa Brgy. San Gabriel, GMA, Cavite bandang alas-3:30 ng hapon noong Huwebes.

Nagsasagawa na ng pagtatanong ang pulisya sa posibleng mga saksi sa insidente para sa ikalulutas ng kaso.

(SIGFRED ADSUARA)

20

Related posts

Leave a Comment