MIYEMBRO NG GUN FOR HIRE NADAKMA SA LAGUNA

LAGUNA – Isang hinihinalang hitman na miyembro ng criminal group, ang natimbog ng mga awtoridad sa isang operasyon sa San Pablo City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Ramir Corcolon, miyembro umano ng Asval criminal group na sangkot sa gun for hire, gun running at robbery extortion activities sa Calabarzon area.

Naaresto si Corcolon sa Brgy. VII-B sa bisa ng search warrant, ng magkasanib na puwersa ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Mobile Force Battalion PRO 4A, Provincial Intelligence Unit ng Laguna Provincial Police Office, at mga miyembro ng San Pablo City Police Station.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591(Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act) at RA 9516.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang .45 kalibreng baril, isang improvised explosive device at dalawang granada. (NILOU DEL CARMEN)

 

193

Related posts

Leave a Comment