KUMBINSIDO ang Bureau of Customs (BOC) na matatapos ang isinusulong na modernisasyon sa kalakalan pagsapit ng taong 2026.
“The Bureau of Customs will go full digital by 2026,” ayon sa pahayag ng kawanihan.
Ani Vincent Philip Maronilla na tumatayong tagapagsalita ng ahensya, nasa with 94% na ng computer system ng kawanihan ang fully-digitalized na.
Aniya, hindi hamak na mabilis ang kalakalan sa sandaling maabot ng BOC ang 100% modernization sa tulong ng P88 milyong pondo sa bisa ng lian agreement ng Pilipinas sa World Bank.
“The loan seeks to improve the country’s customs administration, reduce transaction costs and enhance predictability and transparency of the clearance process at the country’s borders,” paliwanag ni Maronilla.
“Itong 94 percent na na-digitalize natin will be further improved and will be further coordinated with all other agencies and will be at par with the other progressive customs administration sa ibang bansa once na makumpleto natin itong customs modernization project,” dagdag pa niya.
Kabilang aniya sa mga patuloy na tinututukan ng ahensya ang trade processing system at ang mga mekanismong akma para tuluyang puksain ang kabi-kabilang tangkang pagpupuslit ng mga kontrabando.
“Para ma-modernize ang buong Customs processing system at ‘yung ating x-ray at backup system natin,” sambit pa ni Maronilla sa isang pulong-balitaan.
Target ng BOC modernization program na pabilisin ang pagpoproseso ng mga kargamentong ayon sa World Bank ay inaabot ng 120 oras bago makakuha ng clearance mula sa naturang ahensya.
“It takes a container around 120 hours to clear customs and related procedures in the Philippines, far from Vietnam’s 56 hours, Thailand’s 50 hours and Malaysia’s 36 hours,” ayon pa sa World Bank.
