MOLECULAR LAB SA PASIG PWEDE NANG MAG-OPERATE

BINIGYAN na ng go-signal para makapagsimula o mag-operate ang molecular laboratory ng Pasig City para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests.

Kinumpirma ito ni COVID-19 testing czar Vince Dizon.

Ang Pasig City Children’s Hospital ang siyang tumatayong molecular laboratory.

Kaya nitong idaan ang polymerase chain reaction (PCR) testing at enhanced chemiluminescence immunoassay (ECLIA) testing.

Ginawa ang pulong kaugnay dito ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team at mga lokal na opisyal ng pamahalaan ng Pasig, kung saan ay inihayag ni Dizon na mabilis na nakapasa sa laboratory certification ang molecular lab ng lungsod.

“I just want to congratulate Mayor Vico Sotto and the entire Pasig team dahil po ‘yung laboratory niyo… Ay pumasa na.

Congratulations po. At hindi lang pumasa… Ang Pasig po one-take,” ani Dizon.

Ayon kay Dizon, posibleng mailabas na ang lisensya ng laboratoryo mula sa Department of Health sa susunod na linggo at masimulan na agad ang operasyon nito. (CATHERINE CUETO)

229

Related posts

Leave a Comment