MONKEYPOX BAGONG BANTA SA KALUSUGAN

INATASAN ng Department of Health (DOH) ang Bureau of Quarantine (BOQ) na paigtingin ang pagbabantay sa mga pantalan at paliparan ng bansa dahil sa panibagong banta sa kalusugan ng tao na tinaguriang Monkeypox.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, partikular niyang pinababantayan ang mga manggagaling sa mga bansang nakapagtala na ng kaso ng Monkeypox kabilang ang Africa, US, Canada, UK at ilang European countries.

Kasabay nito, pinakalma ng kalihim ang publiko dahil pa wala naman aniyang dapat ikabahala sa Monkeypox bagaman itinuturing itong hindi pangkaraniwang virus.

Kabilang sa mga sintomas ng nasabing virus ay lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan at rashes pero kusa itong gumagaling.

Nakukuha ang Monkeypox virus sa pamamagitan ng close contact sa sugat, bodily fluids o respiratory droplets mula sa tao, hayop, o contaminated material. (RENE CRISOSTOMO)

233

Related posts

Leave a Comment