(Ni Jomar Operario)
Hindi lang naabot kundi nalagpasan pa ang kani-kanilang monthly collection target ng limang Bureau of Cus-toms (BOC) Ports sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng Port of Cagayan De Oro, Iloilo, Cebu, Subic at San Fernando, La Union.
Nangunguna sa mga ito ay ang Port of Subic na nakapagtala ng actual collection na P3,161,373, 353.18 kumpara sa target nitong P1,969,000,000.00 katumbas ito ng 60.56% na pagtaas.
Pumangalawa naman ang Port of Iloilo na may actual collection revenue na P959,674,585.22 mula sa target na P809,886,523.61 o katumbas ng 18.49% na pagtaas.
Pangatlo ang Port of San Fernando, La Union na may actual collection na P413, 363,563.00, mula sa target na P365,490,000.00, lagpas ng 13.10%.
Sinundan ng Port of Cebu na ang total collection ay P3,062,683,982.69 kung ikukumpara sa monthly target na P2,939,270,000.00 katumbas ito ng 4.20% na pagtaas.
Panlima ang Port of Cagayan De Oro, na may actual collection na P2,809,961,851.00, mula sa target na P299,926,851.00.
Ang nasabing collection ay para lamang sa buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan.
Samantala ang Sub-Port of Dumaguete ay nakapagtala ng P1.36-B collection sa loob lamang ng apat na buwan na kinabibilangan ng Enero 1 hanggang Abril 22 ng taon.
Ang nasabing halaga ay mas malaki ng mahigit sa 444.228 milyong piso sa Sub-Port’s target collection na 918.89 milyong piso para sa four-month period.
Ayon kay Dumaguete Customs Collector Fe Lluelyn G. Toring, na malaking ambag ay mula sa mataas na vol-ume ng importation ng petroleum products ng Filoil Energy Co., Inc. mula sa iba pang importers tulad ng Dumaguete Coconut Mills, Inc. (DUCOMI) para sa palm oil at Pryce Gases Inc. para sa Liquefied Petroleum Gas (LPG).
Bukod sa nakatulong din ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law at ang Value Added Tax na 12 porsiyentong excise tax na ipinatupad sa mga importer.
