LAGUNA – Arestado sa manhunt operation ang isang construction worker na kabilang sa most wanted persons (MWPs) dahil sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad.
Kinilala ni P/Col. Cecilio R. Ison Jr. ang suspek na si Rodrigo Capiral Matalab, 54-anyos, residente ng Sta. Rosa City, Laguna.
Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Sta. Rosa City Police Station (CPS) kahapon ng umaga sa bahay nito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 102 at 101 sa Sta. Rosa City, Laguna dahil sa panggagahasa sa isang menor de edad. (CYRILL QUILO)
278
