VIRAL sa social media ang video ng nilangaw na motorcade ni Sen. Imee Marcos.
Batay sa video, wala man lang taong nag-abang sa pagdaan ng motorcade ni Marcos, na sakay ng isang puting pick-up truck. “Motorcade ni Imee Marcos, nilangaw. Walang katao-tao. Pansinin niyo naman si Imee guys,” komento ng vlogger na si Kugman Reaction Vlog nang i-share nito ang viral video.
Wala ring ni isang taong sumalubong kay Imee nang bumaba ito sa sasakyan.
Ayon pa sa source, inutusan niya ang staff na dumaan sa palengke ngunit kaunti na lang ang dinatnan nilang tao roon dahil hapon na. Ang nilangaw na motorcade ni Imee ay patunay lang ng patuloy niyang pagbaba sa senatorial surveys.
Sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Marso, nasa ika-16 na pwesto lang si Marcos.
Una nang tinawag ng dalawang political analysts na desperadong hakbang ang ginawang pagkalas ni Sen. Imee sa Alyansa ng Bagong Pilipinas senatorial lineup ng administrasyon.
Iginiit ni Alan German, isang beteranong campaign political strategist, na ang nasabing hakbang ni Marcos ay para isalba ang kanyang bumabagsak na posisyon sa mga survey.
Para naman kay Arjan Aguirre, assistant professor sa Ateneo de Manila University, malinaw na inuna ni Marcos ang pansariling interes sa halip na ang katapatan sa pamilya at partido nang magpasya itong kumalas sa partido ng Palasyo.
