BATANGAS – Patay ang dalawang kabataan nang sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Maharlika Highway, Brgy. Balibago, sa bayan ng Lian sa lalawigan noong Miyerkoles, ng gabi.
Kinilala ang mga biktimang sina JR Manalo Calixtro, 22, nagmamaneho ng motorsiklong Suzuki Raider 150, at John Carlo Gomez, 20, angkas, kapwa residente ng Brgy. Real, Calatagan, Batangas.
Ayon sa report ng Lian Police, dakong alas-9:50 ng gabi, nawalan ng kontrol sa manibela ang nakainom na driver habang papunta sa bayan ng Lian, at posibleng dahil sa madulas na kalsada.
Malubhang napinsala sa ulo ang dalawa na idineklarang wala nang buhay ng doktor ilang minuto lang matapos ang insidente.
(NILOU DEL CARMEN)
