MPD CHIEF DIZON NAGPASALAMAT SA MANILENYO SA MAPAYAPANG PAGDIRIWANG NG ARAW NG MAYNILA

BUONG puso ang pasasalamat ni Manila Police District Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa mga Manilenyo sa matagumpay na pagdiriwang ng ika-452 Araw ng Maynila noong Sabado, Hunyo 24.

Ibinida ni “The Game Changer General” Dizon na walang anomang kaguluhan o krimen sa lungsod. Nabawasan din aniya ang holdapan at patayan base sa reports mula sa 14 stations.

Sa tulong na rin ito ng kanyang mga tauhan at station commanders na walang sawang nagpapatrolya at nagpapairal ng programang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations SACLEO at “Oplan Galugad” sa kani-kanilang mga Area of Responsibility.

Sa kanyang mensahe sa nasabing pagdiriwang, sinabi ni Manila Mayor Dra. Maria Sheilah Honey Lacuna Pangan na “Ang Nais ko sa ating mga kapulisan ay hindi lamang nakikitang nakatayo sa kalsada bagkus kumikilos at tumutulong sa kaayusan na nasa paligid niya”.

(RENE CRISOSTOMO)

 

 

384

Related posts

Leave a Comment