MPD PINARANGALAN MGA NASAWING PULIS SA IKA-125 ANIBERSARYO

NAGDAOS ng wreath laying ceremony ang Manila Police District (MPD) bilang pagpupugay sa mga pulis na nasawi sa pagtupad sa tungkulin kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng pagkakatatag nito ngayong Pebrero 13.

Pinangunahan ang seremonya ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso kasama si Vice Mayor Chi Atienza, mga opisyal ng lungsod, matataas na opisyal ng Philippine National Police at kinatawan ng Department of the Interior and Local Government.

Kasabay nito, pinasinayaan ang “Museum of Manila’s Finest” na naglalaman ng mga makasaysayang kagamitan at artifacts ng MPD.

Nag-alay rin ng 21-gun salute bilang pagkilala sa mga tinaguriang bayani ng Maynila.

Pinuri ni Moreno ang MPD sa patuloy na pagpapatupad ng peace and order sa lungsod.

Ibinida rin na bumaba ng 13 porsyento ang crime incidents sa Maynila sa huling quarter ng 2025, habang bumaba naman ng 10.83 porsyento ang focus crimes sa buong taon kumpara sa 2024.

(JOCELYN DOMENDEN)

11

Related posts

Leave a Comment