MRT-3 WALANG FARE HIKE SA 2026

MAAASAHAN ng mga komyuter na walang pagtaas ng pamasahe sa susunod na taon sa Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3.

Ayon sa MRT-3, walang napag-uusapan na pagtaas ng pamasahe o fare hike sa 2026.

Sinabi ng MRT-3 general manager Mike Capati, ang line stations ay aayusin muna lalo na ang mga escalator.

Aniya, sa papasok na taon hanggang 2027 ay mayroon silang papalitan ‘fully’ na escalator sa Taft Avenue at Ayala.

Unti-unti ring magdedeploy ng mga Dalian train ang MRT-3, target nilang ma-deploy ang lahat ng 48 Dalian trains bago matapos ang 2026.

Makatutulong ito na mapanatili ang 3.5-minute headway ng mga pasahero at posibleng madagdagan ang kapasidad ng linya mula 500,000 pasahero kada araw hanggang 600,000-700,000 pasahero kada araw.

(JOCELYN DOMENDEN)

94

Related posts

Leave a Comment