MUNICIPAL EMPLOYEE TODAS SA TRUCK

QUEZON – Patay ang isang empleyado ng munisipyo ng bayan ng Mauban sa lalawigang ito makaraang masalpok ng truck ang sinasakyan niyang motorsiklo sa national road noong Miyerkoles ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si Abelardo Talastas Pasague, 57, taga Barangay Lual, dahil sa grabeng pinsala sa kanyang katawan.

Batay sa report ng Mauban Police, nangyari ang insidente sa rotonda ng highway papasok sa town proper, sakop ng Barangay Polo.

Bigla umanong nag-U-turn ang truck at sinalubong ang motorsiklo sa linya nito.

Dahil parehong mabilis ang takbo, pumailalim sa truck ang motorsiklo at nakaladkad ng ilang metro.

Basag ang ulo at bali ang mga kamay ng biktima na ayon sa pulisya ay walang suot na helmet nang mangyari ang insidente.

Naaresto ng mga pulis ang 32-anyos na driver ng truck na si Jonathan Castillo Esternon na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide. (NILOU DEL CARMEN)

74

Related posts

Leave a Comment