(LILY REYES)
PORMAL nang sinampahan ng patong-patong na kasong kriminal ng Quezon City Police District (QCPD) sa piskalya ang duktor na walang habas na namaril sa loob ng isang pamantasan sa lungsod ng Quezon nito lamang nakalipas na araw ng Linggo.
Bukod sa kasong murder at frustrated murder, nahaharap din sa asuntong carnapping at paglabag sa umiiral na gun ban si Dr. Chao Tiao Yumol na bumaril at nakapatay kay dating Lamitan (Basilan) Mayor Basilan Rose Furigay, alalay na si Victor Capistrano at kay Jeneven Bandiala, gwardiya ng Ateneo de Manila University.
Pagtatapat ni Yumul, pinlano niya ang pagpaslang kay Furigay makaraang mabalewala ang kanyang idinulog na kaso sa Presidential Anti-Corruption Commission laban sa noo’y alkalde na di umano’y sangkot sa kalakalan ng droga sa Lamitan β bukod pa sa 76 kasong cyberlibel na inihain laban sa kanya ng naturang dating alkalde.
Aniya, sadyang inabangan niya ang pagdating ni Furigay sa Ateneo de Manila kung saan nakatakdang magtapos sa kursong abogasya ang anak na babae ng dating Lamitan Mayor.Β Sugatan din sa pamamaril ang anak ni Furigay na si Hannah.
Samantala, itinanggi ng pamilya Furigay ang bintang ni Yumul na nagdadawit sa napaslang na dating alkalde sa kalakalan ng droga.
182 