MURDER SUSPECT BAGSAK DIN SA KAMAY NG PNP-AKG

NASUBUKAN ang strategic skills ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa pagkakadakip sa isang murder suspect noong Abril 1 sa Sitio Naga, Brgy. Tinag-an, Albuera, Leyte.

Ang suspek na kinilalang si Edwin Hermentisa y Horcas, most wanted person dahil sa kasong murder, ay nadakip ng mga operatiba ng Visayas Field Unit, sa pangunguna ni PCMS. Gilberto Bibar, sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Albuera MPS at Burauen MPS, sa ilalim ni P/Col. Salvador T. Alacyang, chief, VFU-AKG.

Si Hementisa ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Pepe O. Domael, presiding judge ng RTC Branch 15, 8th Judicial Region, Burauen, Leyte. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa nasabing suspek.

Napag-alaman, noong Enero 22, 1998, ang akusado at dalawang kasama nito ay sinasabing nagsabwatan sa pagpatay sa biktimang si Cipriano Fernandez.

Makaraan ang krimen, ang tatlong suspek ay nagtago sa loob ng 24 taon.

Ngunit makaraan ang impormasyong natanggap ng VFU personnel mula sa reliable source, ang suspek ay natunton sa nabanggit na lugar.

Bunsod nito, ang mga operatiba ng VFU, sa pangunguna ni PCMS. Bibar ng AKG-VFU, ay agad nagkasa ng operasyon sa koordinasyon ng local municipal police station at komunidad na nagresulta sa pagkakadakip kay Hermentisa

Ang arestadong suspek ay pansamantalang nakapiit sa Albuera MPS lock-up jail para isailalim sa tactical interrogation upang madakip ang dalawa pang mga suspek.

203

Related posts

Leave a Comment