MURDER SUSPECT LAGLAG SA PNP-AKG

NAKORNER ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group Special Operation Unit ang isang murder suspect noong Biyernes sa Cupang, Antipolo City.

Ayon kay PNP-AKG Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, nadakip ng kanyang mga tauhan si Pedro C. Denola Jr. noong Biyernes ng gabi sa isinagawang law enforcement operation sa Blk. 11, Lot 7, Narra Ave., Palmera Woodland, Brgy. Cupang ng nabangit na siyudad.

Sa pahayag ni PNP-AKG Spokemsan Major Rannie Lumactod, bandang alas-7:30 ng gabi, sinalakay ng mga tauhan ng PNP-AKG SOU, na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Wilfredo V. Sy, ang painagtataguan ni Denola.

Nabatid na armado ng “alias warrant of arrest” sa kasong murder na inisyu ni Hon. Eduardo Israel Tanguanco, Presiding Executive Judge ng  RTC Branch 89, 4th Judicial Region, Bacoor City, Province of Cavite, ang grupo ni Sy kaya hindi na nakaporma pa ang suspek nang dambahin ito.

Walang piyansang inerekomenda ang korte para sa suspek sa kasong murder.

Ayon kay Estomo … “arrested accused was apprehended based on the  intelligence driven by this operatives and based on the AKG seal  ‘Scrutinizing Eagle Eyes that No Criminals will go uncatch and roaming around the streets  freely,’ the long arms of the law will apply”.

Sa impormasyong ibinahagi ni Maj. Lumactod, sangkot si Denola sa pamamaslang sa Queens Row, Molino, Bacoor City noon taong 2005 at nagtago ito sa Antipolo City.

Pansamantalang inilagay sa kustodiya ng AKG HQS ang suspek ‘for documentation’ bago ibibigay sa pangangalaga ng korte. (JESSE KABEL)

128

Related posts

Leave a Comment