MURDER SUSPECT NATUNTON SA MANILA CITY JAIL

ARESTADO ang isang 38-anyos na lalaking suspek sa kasong murder makaraang matunton ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena and Intelligence Section ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, sa Manila City Jail sa Old Bilibid Compound, Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ang suspek na si alyas “Pandong”, binata, miyembro ng Commando gang at naninirahan sa Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ni Patrolman Rosauro Agulto Jr., bandang alas-1:40 ng hapon nang silbihan ang suspek ng warrant of arrest sa kasong murder, na inisyu ni Presiding Judge Marivic Balisi-Umali, ng Regional Trial Court Branch 20 ng Manila, na walang inirekomendang piyansa. (RENE CRISOSTOMO)

28

Related posts

Leave a Comment