MWP SA RAPE LAGLAG SA MPD

NALAGLAG sa mga operatiba ng District Investigation Division (D2) ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang isang 35-anyos na painter na suspek sa tatlong beses umanong panggagahasa, nang matiyempuhang umuwi sa kanilang bahay sa Parola Compound, Tondo, Manila noong Lunes ng gabi.

Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID-D2 – SmaRT ng Manila Police District, bandang alas-6:40 ng gabi nang matiyempuhan ang suspek na kinilalang si Luisito Andrade, binata, sa kanya mismong bahay.

Hindi na nakapanlaban pa ang suspek nang isilbi sa kanya ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Delight Aissa Salvador ng Regional Trial Court Branch 29 ng Manila.

Inaresto ang suspek sa pangunguna ni Police Major Dave Garcia, assistant chief, kasama sina Police Major Val Valencia, Police Captain Kevin Rey Bautista, at ang ilang mga tauhan ng SMaRT, sa kasong qualified rape by sexual assault, paglabag sa Article 266-A, par. 2 in relation to Sec. 5 (b), RA, 7610, as amended by RA 11648 at qualified statutory rape, Article 266-A, par. 1 in relation to Article 266-B of RA 3815, RPC, as amended by RA 8353 (3 Counts).

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa nasabing mga kaso ng suspek.

(RENE CRISOSTOMO)

353

Related posts

Leave a Comment