DINAKIP ang anim katao na nahuling namamasyal sa paligid ng Bulkang Taal sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ngayong nakataas ang alerto nito sa level 2.
Nabuking ang kapangahasan ng grupo na kinilala ng Talisay MPS na sina Ryan Molinar y Trinidad, 33; Hazel Molinar y Lumbrera, 33, mga residente ng Tanauan City; Jerico Hernandez y Escalona, 23, ng Balete, pawang sa Batangas at ang tatlong menor de edad nang mag-
Facebook live ang mga ito para ipakita sa kanilang mga kaibigan.
Nang malaman ng mga awtoridad ang aktibidad ay agad hinanap ng pinagsanib na pwersa ng Talisay-PNP, PCG, PAF, BFP at MDRRMC-
Talisay ang grupo na kanilang nasabat habang lulan ng bangka at kinukunan ng video ang crater ng bulkan.
Binitbit ng Talisay MPS ang grupo at ang tatlong menor de edad ay ipinasa sa MSWDO-Talisay. Sinampahan naman ng pulisya ng kaukulang kaso ang tatlo pa. (CYRILL QUILO)
