Nagdeklara ng independence sa Kamara MGA DUTERTE DUMISTANSYA SA ‘POLITICAL CIRCUS’

(BERNARD TAGUINOD)

NAG-WALK OUT ang mga Duterte bago nagbotohan ang mga mambabatas sa Speakership ng Kamara dahil ayaw umano ng mga ito na maging bahagi ng political circus sa Mababang Kapulungan.

Nang buksan ang 20th Congress, nasa loob ng plenaryo sina Davao City 1st District Rep. Paolo “Polong” Duterte, anak nitong si Davao City 2nd District at pinsan na si Puwersa ng Pilipino Pandagat (PPP) party-list Rep. Harold Duterte subalit bago ang nominasyon ni Leyte Rep. Martin Romualdez ay umalis na ang mga ito.

“I did not vote for Speaker and I did not join the so-called Minority because I refuse to take part in a political circus that has long forgotten who it is supposed to serve — the Filipino people,” ani Rep. Polong.

“I walked out after the roll call with my fellow Davao legislators because I represent the people of Davao City, not the political puppeteers nor the self-serving actors parading as public servants in Congress,” dagdag pa nito.

Kasama rin ng mga Duterte ang loyal ally ng mga ito na si Davao City Rep. Isidro Ungab na nanatili sa plenaryo hanggang matapos ang botohan sa Speakership subalit nag-abstain ito at nagdeklara rin ng independence.

Hindi Hihila kay PBBM Pababa

Samantala, bagama’t bumoto ang anak na si Negros Occidental Rep. Javi Benitez pabor kay Romualdez, nag-abstain naman si Bacolod Rep. Albee Benitez dahil ang kailangan aniyang mamuno sa

Kamara ay isang lider na kayang pag-isahin ang lahat at hindi maging dahilan ng pagbagsak ng Pangulo.

“I will not vote of Martin Romualdez as Speaker of the House. I believe our Chamber needs a leader who will stand firmly behind President Bongbong Marcos—not pull him down—and can help unite the nation behind his vision for the country,” ani Benitez.

Ayon sa nagbabalik Kongreso na si Benitez, batbat ng kontrobersya ang Kongreso ngayon dahil sa mga kuwestiyonableng alokasyon sa 2025 national budget, pamumulitika at aniya’y selfish plays.

“All of which have contributed to distrust, disunity, and dysfunction, Our Constituent and ven our colleagues now question the integrity, transparency, and sincerity of the House,” aniya pa.

Tulad ng mga Duterte na personal dumalo sa pagbubukas ng 20th Congress, sinabi ni Benitez na hindi ito sasama sa mayorya o maging sa minorya sa Kamara at sa halip na tatayo bilang independent subalit suportado umano nito ang liderato ni Marcos.

Kailangan aniyang magtagumpay ang Marcos administration para mabago ang buhay ng mas nakararaming Pilipino lalo na ang tanging inaasahan ay suporta ng estado.

“Dahil sa nangyari sa 2025 national budget, hindi ko na kayang suportahan ang liderato sa House of Representatives. Hindi na ito dapat mangyari ulit,” ayon naman kay Navotas Rep. Toby Tiangco.

Minority Bloc

Samantala, mula sa 34 congressmen na nag-abstain o hindi bumoto sa Speakership, 30 dito ang magiging miyembro ng House minority bloc na inaasahan pamumunuan muli ni 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan.

Matapos suspendehin ang unang session bilang paghahanda sa SONA ng Pangulo, nagpulong ang 30 congressmen na karamihan ay mula sa party-list representatives tulad nina ML party-list Rep. Leila de Lima, Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendaña at Dadah Kiram Ismula.

Kasama rin sa miyembro ng minorya sina ACT party-list Rep. Antonio Tinio, Kabataan party-list Rep. Renee Co, Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon, Agap party-list Rep. Nicanor Briones, Apec party-list Rep. Sergio Dagooc, Caloocan Rep. Edgar Erice, Bukidnon Rep. Audrey Zubiri at iba pa.

“May mga expectations sa atin bilang tunay na minorya, at hindi po dapat ito sa papel lang, o sa salita lang, kundi sa tapat at epektibong pagtupad ng aming mga tungkulin bilang mambabatas. Nasa Kongreso tayo hindi para sa sarili, kundi para sa sambayanang Pilipino,” ani De Lima.

150

Related posts

Leave a Comment