Nagpanggap na kasal sa Pinays 2 KOREANS HINARANG SA MACTAN AIRPORT

HINDI pinapasok ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang dalawang South Korean nationals na nagtangkang pumasok sa bansa at nagpakita ng mga pinekeng kopya ng mga sertipiko na umano’y kasal sila sa mga Filipina.

Ang dalawang Koreans na pina-ban ni BI Commissioner Jaime Morente, na kinilalang sina Shin Bumsik at Woo Jungje, ay hindi pinapasok sa Pilipinas at isinama ang mga ito sa Immigration blacklist ng undesirable aliens.

“Don’t trick our officers by presenting bogus marriage certificates because that will not work.  You will be turned back to where you came from and can no longer return to our country,” babala ni Morente sa mga dayuhan na gustong pumasok sa Pilipinas.

Inihayag pa ng BI Chief, ang pagkakaroon ng entry visa ay hindi garantiya sa mga dayuhan na makapasok sa bansa dahil ang immigration officers ay may mandato na suriin ang dumarating na mga dayuhan at tanungin ang mga ito hinggil sa kanilang layunin sa pagbiyahe sa bansa, at alamin ang mga dokumentong ipiprisenta.

“If you lie and resort to fraud and misrepresentation, you are unfit to be given the privilege to enter our country.  You will be excluded and booked on the first available flight back to your port of origin,” dagdag pa ni Morente.

Sinabi naman ni BI Port Operations Division Acting Chief Grifton Medina, ang dalawang South Korean ay hindi kasama sa listahan ng mga pasaherong dumating sa Mactan Airport noong Lunes, Agusto 16 2020, matapos dumating sakay ng Aseana Airlines flight mula Seoul.

Ayon pa kay Medina, ang dalawang pasahero ay may tourist visa, scanned copies ng marriage certificates na nagpapakita na sila ay kasal sa mga Filipina.

Ngunit nagduda ang immigration officers kayat ine-refer ang mga pasahero sa kanilang supervisors para sa secondary inspection.

“It was later found that one of them, Shin Bumsik who is only 20 years old, could not have married a Filipina as he had never traveled to the Philippines before,” banggit pa ni Medina.

Idinagdag pa niya na ang isa pang Korean, ang 34-anyos na si Woo Jungje, ay nahuling nagsisinungaling matapos matuklasan na ang sinasabing oras ng kasal nila sa Filipina noong Oktubre ng nakaraang taon, ay wala siya sa bansa. (JOEL O. AMONGO)

158

Related posts

Leave a Comment