TINIYAK kahapon ng Bureau of Customs (BOC) na hindi nila sasantuhin ang sinomang maaaktuhan nilang nagpupuslit ng ilegal na droga sa balikbayan boxes.
Ito ang babala ng ahensya kasunod ng pahayag na mayroon silang mahigpit na ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para tuluyang masugpo ang pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot.
Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, may ilang insidente na silang naitala sa pagpupuslit ng ilegal na droga sa mga balikbayan box.
Dagdag pa ng opisyal, mayroon silang mga kaparaanan para agad matukoy kung positibo ito.
Hindi sila mangingiming sampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod ng pagpapadala ng ilegal na droga. (JULIET PACOT)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)