Nainip sa zoom meeting, tserman at treasurer nag-sex; video cam naka-on pala SEX SCANDAL SA BARANGAY

NALAGAY sa matinding kahihiyan ang isang punong barangay at kanyang tesorera nang mapanood ng kanilang mga kabarangay ang kanilang pagtatalik habang hinihintay magsimula ang kanilang virtual meeting sa Dasmariñas City, Cavite.

Kapwa umano hindi pa nagre-report muli sa kanilang tanggapan si Brgy. Fatima 2 Chairman Jesus Estil at ang hindi pinangalanang barangay treasurer matapos ang mistulang “live show” na kinahantungan ng dapat sana’y zoom meeting para talakayin ang isyu ng COVID-19.

Sa ulat, inakala ng tseman na hindi naka-on ang kanyang video cam kaya habang naghihintay na pormal na magsimula ang meeting ay naisipang magtalik muna sila ng tesorera.

Natapos na sa kanilang ‘quickie’ ang dalawa sa loob mismo ng tanggapan ni tserman nang matuklasan na nasaksihan ng kanilang mga kapwa opisyal ang kanilang kahalayan sa pamamagitan ng zoom na nakalimutan nilang i-off.

Mistulang bombang sumabog at agad kumalat sa kanilang komunidad ang kalaswaan ng dalawang barangay officials dahilan para magkaisa ang mga residente na gumawa ng petisyon para masibak sa posisyon ang kanilang tserman.

Ayon naman sa Department of Interior and Local Government (DILG), “unbecoming of a public officials” ang ginawa ng dalawa at kanilang iimbestigahan ang nasabing pangyayari. SIGFRED ADSUARA

1174

Related posts

Leave a Comment