Nakasalamuha ni DILG Sec. Año MAYOR SA DAVAO OCCIDENTAL, NEGATIBO SA COVID

DAVAO Occidental – Inanunsyo ng alkalde ng bayan ng Jose Abad Santos (JAS) nitong lalawigan na negatibo ang naging resulta ng kanyang swab test sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inamin ni JAS Mayor Jason John Joyce, na-expose siya kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año noong nagkaroon ng meeting ang Inter-agency Task Force COVID-19 kasama ang ibang pang mga kalihim, sa Bagani Hall sa Camp Quintin Merecido sa Davao City, noong Agosto 12.

Noong Agosto 16 nang lumabas ang balita na muling nagpositibo si Año sa COVID-19 kaya agad bumiyahe si Joyce sa Davao City upang sumailalim sa swab test sa isang pribadong diagnostic center.

“Family, friends and workmates, I am feeling blessed to announce that I tested negative for COVID after being exposed to DILG Sec. Año last August 12, 2020 during our meeting with IATF secretaries,” ayon sa pahayag ni Joyce na inilabas nito sa kanyang social media account.

Sinabi nito na natupad nila ang istriktong protocols sa nasabing meeting kagaya ng mandatory na pagsusuot ng face mask at face shield.

Dagdag ni Joyce, ito ang pangatlong beses na siya ay na-expose sa isang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 dahil sa kanyang trabaho bilang frontliner sa laban sa pandemya.

Hindi pwedeng matigil ang trabaho, pero kailangang mag-ingat po talaga tayo,” paalala ng alkalde sa kanyang mga nasasakupan.

Inabisohan din nito ang publiko na kailangang sumunod sa mga alituntunin ng batas upang ‘di mahawa sa nakamamatay na sakit dahil simula pa lang ito sa laban ng bawat isa sa pandemya. (DONDON DINOY)

148

Related posts

Leave a Comment