NAGBIGTI ang isang 23-anyos na babae matapos ang lover’s quarrel ng mag-live-in-partner sa Navotas City, nitong Linggo ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Shaira Mae Dela Cruz, 23, ng Blk. 29 Lot 42 A1, Phase 11, Brgy. North Bay Boulevard South ng lungsod.
Ayon sa ulat, dakong 2:30 ng hapon nang madiskubre ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang kuwarto ang biktima habang nakabigti sa double deck gamit ang kumot.
Hindi na itinakbo sa ospital ang biktima at ipinaalam na lamang ng lalaki ang insidente sa mga pulis,
Napag-alaman, bago magpatiwakal si Dela Cruz ay nag-away ito at ang kanyang kinakasama.
Ayon naman sa mga kaanak ng biktima, ilang beses na itong nagtangkang magpakamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. (ALAIN AJERO)
846 