NAMBUDOL NG MGA ALAHAS, 2 BEBOT TIKLO SA NBI

kulong

KAPWA binitbit ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang babae sa isinagawang entrapment operation sa Batangas City makaraang mabudol ng mga ito ang isang domestic jewelry corporation.

Kinilala ang mga suspek na sina Jean Suayan y Javier alyas “Cynthia Sy Uy”, at May De Torres, kapwa ng Lipa City, Batangas,

Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong estafa sa ilalim ng Section 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at paggamit ng peke at pagtatago ng totoong pangalan sa ilalim ng Article 178 ng Revised Penal Code.

Batay sa ulat ng NBI, nag-ugat ang reklamo laban kay Javier nang mag-order ito ng mga gintong alahas sa Corals Jewelry Inc. na may address sa Sta. Cruz, Manila na nirerepresenta ng isang Cyril Logronio Abonda.

Sa ilang mga pagkakataon na may petsang Hulyo 16,18,19 ay magkakasunod na nag-order ang suspek ng mga alahas gamit ang pangalang ‘Cynthia’, na umabot sa halagang P100,800.

Bilang patunay, nagpapadala umano ito ng screenshot ng proof of payment sa pamamagitan ng Union Bank Insta pay na ipinasok naman sa BDO account ng jewelry store.

Gayunman, natuklasan na ang nasabing payment ay hindi pumasok o na-credit sa BDO account ng kumpanya at napagtanto na sila ay naloko.

Dahil dito, dumulog sa NBI ang kumpanya na nagkasa ng entrapment operation noong Hulyo 27, kung saan isang delivery rider ang nag-pick-up ng order na mga alahas ng suspek.

Habang inaabot ng delivery rider ang mga order na alahas sa mga suspek sa bahay ng mga ito sa Looban 2, Banaba West, Batangas City ay inaresto ito ng mga tauhan ng NBI-AOTCD. (RENE CRISOSTOMO)

388

Related posts

Leave a Comment