Nang mawala sa PECO ang power distribution sa Iloilo City SUNOG SANHI NG JUMPER NABAWASAN

MULA sa dalawa hanggang tatlong insidente ng sunog na naitatala kada buwan dulot ng illegal power connection sa mga squatter areas sa Iloilo City, wala pang nagaganap na sunog sa nakalipas
na 5 buwan sa lungsod.

Ito ay mula nang tanggalin na sa Panay Electric Company (PECO) ang pangangasiwa sa power supply ng kuryente at i-takeover ng bagong distribution utility na More Power and Electric Corp.
(More Power) na agad sinimulang tutukan ang problema sa jumper at overloading ng mga linya ng kuryente.

Ayon kay Iloilo East Baluarte Barangay Chairman Gary Patnubay, ang pagkakaroon ng mga jumper ang pinakamalaking problema noon kaya madalas ang sunog, nasa 30 hanggang 40 porsiyento ng kanyang constituents ang nasa illegal connections subalit nang pumasok ang More Power at nagkaroon ng programa para magkaroon ng legal na linya ng kuryente ay 75% na ng mga residente
ang nag-apply ng sariling kuntador.

“I’ve been very hands-on in assisting my constituents in these processes and I can say that those who have been in the illegal connections are now moving to become legitimate consumers of
electricity which only proves that MORE Power is indeed in the right direction,” pahayag ni Patnubay.

Hindi lamang umano sa mga squatter area mayroong mga jumper kundi maging sa mayayaman na residente ay nahuhulihan din na may illegal connection.

“Ang nangyayari kasi kapag naputulan ng kuryente dahil hindi nakakabayad, ang gusto ng PECO bayaran nang buo ang multa at utang, hindi pinapayagan ang staggered payments kaya hindi na
nababalik ang kuntador. Ang ginagawa na ng mga residente, sa illegal connections na lang at hindi na ito namo-monitor ng PECO dahil mahina ang kanilang monitoring. Ito ang dahilan kaya [maraming] illegal connections sa Iloilo,” paliwanag ni Patnubay.

Sa 2019 Technical Study ng MIESCOR Engineering Services Corp. ay natukoy na mayroong 30,000 illegal connections sa Iloilo, ito ang siyang tinuturong dahilan ng pagtaas ng systems loss na
umabot sa 9.3%.

Bukod sa jumper, malaking dahilan din ng maraming sunog sa lalawigan ang pole fires. Sa report ng Bureau of Fire Protection na isinumite nito sa Energy Regulatory Commission (ERC), mula Enero 1, 2014 hanggang Oct. 29, 2019 ay nasa 2,887 sunog ang naganap sa Iloilo City at sa nasabing bilang ay 1,464 kaso o 51.187 porsiyento ay mula sa poste ng PECO.

Sa ngayon ay nakabinbin pa rin sa ERC ang imbestigasyon sa serye ng pole fires sa Iloilo City alinsunod sa naging reklamo ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na nauna nang nagpahayag ng
pangamba na mauwi sa malaking sunog sa lalawigan ang naitatalang pagkasunog ng poste ng PECO kung hindi agad matutugunan ang problema.

Samantala, sinabi ni Ariel Castañeda, hepe ng Apprehension Team ng More Power na door to door crackdown na ang kanilang ginagawa sa inilunsad na “Oplan Valeria”, layon nito na matukoy ang mga mayroong ilegal na koneksyon. Aniya, sa nakalipas na 2 linggo ay nasa 3,000 residente na gumamit ng jumper ang kanilang naaresto.

“Apprehending illegal electric connections is a taxing task and most definitely involves the greatest risk on the part of the apprehenders but the efforts to rid the city of illegal connections are certainly paying off,” ani Castañeda kung saan nabawasan na umano ang mga power interruption sa mga lugar na may mga nasawata silang illegal connections.

Sa taas ng bilang ng mga gumagamit ng jumper sa Iloilo, umapela si More Power President Roel Castro na tigilan na ito upang hindi maaresto at magbayad ng multa na aabot sa P120,000, aniya,
mas pinadali at pinamura na ang pagpapakabit ng linya ng kuryente sa ilalim ng  I-Connect project sa pakikipagtulungan na rin ng lokal na pamahalaan at mga barangay.

Kaugnay nito, naglunsad ang More Power ng isang Community Energy Forum, layon ng regular platform na ito na matalakay ang mga isyu patungkol sa power utility sa hangarin na rin na maging
maayos at transparent ang operasyon nito sa mga consumer.

Sinabi ni Division Federated Parents Teachers Association (DFPTA) President Roger Calzado na malaking tulong ang pagiging bukas ng linya ng More Power sa mga consumer. Tinukoy nito ang
dalawang oras lamang na troubleshoot na ginagawa ng kumpanya kapag mayroong aberya sa kuryente kumpara sa karanasan nila sa PECO na inaabot ng isa hanggang tatlong araw bago maibalik ang supply ng kuryente.

Pinuri rin ng DFPTA ang aktibong information dissemination ng power utility na nalalaman nila agad ang mga scheduled brownout dahil sa gagawing preventive maintenance works kaya maaga silang nakapaghahanda na malayo umano sa PECO na bukod sa hindi gumagana ang mga hotline number ay mangangapa sila sa dilim kung bakit biglang nawalan ng supply ng kuryente.

136

Related posts

Leave a Comment