CAVITE – Patay ang isang traffic enforcer nang araruhin ng driver ng pampasaherong bus matapos itong sitahin dahil sa paglabag sa batas trapiko sa DasmariΓ±as City noong Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Alfredo Datoon, miyembro ng Traffic Management Unit ng DasmariΓ±as City, namatay sa pinangyarihan ng insidente.
Hawak na ng pulisya ang suspek na si alyas “Rollie”, driver ng Erjhon & Almark bus na may plakang UMN 117, at residente ng Brgy. Galicia 2, Mendez, Cavite.
Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Richard Domingo ng DasmariΓ±as Component City Police, bandang alas-2:00 ng hapon nang mangyari ang insidente habang nagmamando ng trapiko ang biktima sa sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Pala-Pala sa Brgy. Sampaloc, DasmariΓ±as City.
Sinita umano ng biktima ang driver ng pampasaherong bus habang nakatigil sa nasabing lugar kung saan ipinagbabawal ang pagsakay at pagbaba ng mga pasahero (No Loading/ unloading) sa lugar.
Subalit imbes na sumunod ang driver ng bus, pinaandar nito ang kanyang sasakyan at kinaladkad ang biktima na nagresulta sa agarang kamatayan nito. (SIGFRED ADSUARA)
480 