LANAO del Norte – Patay ang isang babae makaraang gilitan at tadtarin ng bala ng kanyang kapatid na ex-convict nang sabihan ng biktima na siya ay palamunin dahil walang trabaho.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Evelyn dela Peña Doiller habang nadakip sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Pachito dela Peña, kapwa ng Purok 3, Labuay, Maigo, Lanao del Norte.
Ayon sa imbestigasyon ng Maigo Municipal Police Station nakitira ang suspek at biktima sa bahay ng kanilang ina.
Noong Disyembre ng 2019, nakalaya ang suspek matapos ang pitong taon na pagkakakulong dahil sa kasong homicide.
Palagi umanong nag aaway ang magkapatid dahil walang trabaho ang suspek.
Uminit umano ang ulo ng suspek matapos siyang awayin ng biktima dahil sa naubos na bigas at sinabihan siyang palamunin. (ANNIE PINEDA/KIKO CUETO)
214
