NAKAPAGTALA ng highest-ever record ang kasalukuyang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling matapos na makasabat ang ahensiya ng tinatayang P31.5 bilyong halaga ng iba’t ibang mga kalakal.
“Ang bureau, under the leadership of Commissioner Bienvenido Rubio, has already got the highest seizure, in a terms of smuggling, nag-resulta na po ito sa P31.5 billion (pesos worth) na various commodities, ito po iyong highest-ever record po ng Bureau of Customs, considering na hindi pa po tapos ang taon,” ani BOC Director Verne Enciso sa isang forum sa Quezon City noong Sabado.
Sinabi pa ni Enciso, higit ang naging tagumpay sa kanilang paghihigpit sa mga regulasyon subalit ito ay patunay rin sa pagtupad sa pangako ng ahensya na pagkilos laban sa ilegal na kalakalan sa buong bansa, at ang pagpapanatili ng mataas na kalakalan para sa lehitimong mga negosyo lalo sa sektor ng agrikultura,
“For the agriculture sector, the BOC seized a total value of P3.3 billion for this year alone. This compromises rice and other agricultural products,” ayon pa kay Enciso.
Ang ahensiya ay patuloy sa kanilang isinasagawang inspeksyon sa warehouses na pinaghihinalaang nag-iimbak at nagtatago ng smuggled rice, na naaayon sa Executive Order (EO) No. 39.
“The first implemented letters of authority were conducted in seven warehouses in the vicinity or in the area of Bulacan, four warehouses were issued warrants of seizure and detention resulting in the seizure of 236,571 sacks of rice which originated from Vietnam, Thailand and Pakistan.
Three warehouses were released to the claimants with the total of 135,365 rice originating from Vietnam and Thailand,” banggit pa ni Enciso.
Bukod dito, ang BOC ay nakatuklas din ng 36,000 sako ng bigas sa Tondo, Manila at kabuuang 20,000 sako ng bigas naman ang nadiskubre sa mga lugar ng Las Piñas at Bacoor City.
Sinabi pa ni Enciso, ang claimants ay binigyan ng 15-day period para magbigay ng ‘proof of payment of taxes’ at iba pang regulatory duties para sa pag-iimbak ng imported rice sa nasabing mga pasilidad.
Ang mga kalakal na lumalabag sa intellectual property rights ang nasa top list ng nasamsam na mga kargamento, na may halagang P31.5 bilyon. Ito ay ang agricultural products, cigarettes, at drugs.
(JO CALIM)
