NASABAT NA ULO NG USA NASA PANGANGALAGA NA NG DENR

ULO NG USA

Pormal nang itinurn-over ng Bureau of Customs-Environmental Protection and Compliance Division (BOC-EPCD) sa Department of Environment and Natural Resour­ces (DENR) ang nasabat na ulo ng usa kamakailan.

Ayon sa report, ang ulo ng usa ay wala umanong kaukulang import permit mula sa BOC at DENR na nasabat sa isang warehouse sa Maynila noong nakaraang Setyembre 24, 2019.

Bahagi umano ito   ng parcel na idineklarang ‘used household goods’ at personal na kagamitan na  dumating sa Manila International Container Port (MICP) noong Hulyo 12, 2019 mula sa Guam.

Kinumpiska ang ulo ng usa alinsunod na rin  sa nakitang paglabag nito sa itinatadhana ng Section 11 at 27 ng Republic Act No. 9147 o mas kilala sa tawag na Wildlife Resources Conservation and Protection Act at Section 117 na may kaugnayan sa Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ang BOC sa pamama­gitan  na rin ng iba’t ibang district collectors nito  ay patuloy sa kanilang kampanya laban sa mga ilegal na kontrabando hindi lamang sa ilegal na droga kundi maging sa mga ha­yop, buhay man o patay.  Partikular ang usa sa mga hayop na pinaniniwalaang malapit nang maubos ang lahi (endangered species),  ayon na rin sa Wildlife Bureau ng DENR.

Patuloy pa ring naghihigpit ang BOC sa pagpasok ng mga karne at iba pang produkto ng baboy mula sa ibang bansa na pinaghihinalaang kontaminado ng African Swine Fever (ASF) na nakaaapekto sa mga lokal na mga alagang baboy sa bansa. (Joel O. Amongo)

528

Related posts

Leave a Comment