12 TAON KULONG SA WASTE IMPORT VIOLATORS INIHAIN

drilon4

(NI NOEL ABUEL)

MAHAHARAP sa pagkakakulong ng 12 taon ang sinumang indibiduwal na mapapatunayang sangkot sa importasyon  ng basura papasok sa bansa.

Ito ang nais ni Senate Minority Leader Franklin Drilon base sa inihain nitong Senate Bill No. 18 kung saan maliban sa pagkakakulong ay mahaharap din sa multa na P15 milyon ang mag-aangkat ng basura mula sa ibang bansa.

Kasabay nito ay nanawagan din ito na tuluyang ipatupad ang total ban sa lahat ng waste imports kabilang ang recyclables materials.

Tugon ito ni Drilon sa gitna ng mga ulat na nagiging tapunan ng basura ang Pilipinas mula sa ibang bansa tulad ng galing sa Canada, Australia, South Korea, Hong Kong at Japan.

“These incidents indicate that we have become a dumping ground for waste generated by other nations. We must fix our laws that allowed that to happen,” ani Drilon.

259

Related posts

Leave a Comment