130-K EMPLEYADO NG GOBYERNO HINDI REGULAR

rallylabor day12

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAPELA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na bigyan ng pansin ang may 130,000 empleyado sa gobyerno na hindi regular employees o walang security of tenure.

Ginawa ni Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan ang nasabing apela kasabay ng paghahain ng House Bill (HB) 52  para gawing regular employees na ang mga nabanggit na manggawa.

“The government is the biggest employer which practices contractualization,” ani Cabochan dahil base sa record aniya ng Civil Service Commission (CSC) ay umaabot sa 96,000 ang contractual employees umano ang national at local government units (LGUs).

Bukod dito, ang may 36,000 na casual employees na kinuha ng gobyerno para sa occasional o temporary lamang kung saan isa hanggang tatlong buwan lang ang kanilang pagtatrabaho.

“The government creates casual and contractual positions and hires workers to the said positions year after year. This proves that the said positions are necessary to the operation of the concerned agencies, yet the employees are not considered regular or permanent,” ani Cabochan.

Gayunpaman, nagtataka ang mambabatas kung bakit hindi ginagawang regular ang mga empleyadong ito upang mabigyan ang mga ito ng benepisyo na hindi nila natatanggap dahil sa kanilang estado.

Maliban dito, umaabot umano sa 158,477 posisyon sa gobyerno ang hindi nilalagyan ng mga tao kaya nararapat lamang na ibigay na ito sa mga contractual at casual employees.

“If we are to push for efforts to address unjust labor conditions in all sectors, let us at least start in our own backyard. The government should set the example on guaranteeing the rights entitled to all workers,” ani Cabochan.

 

411

Related posts

Leave a Comment