(Ni NOEL ABUEL)
HINDI sumang-ayon ang mga senador sa kahilingan ni Budget Secretary Benjamin Diokno na magkaroon ng special session ang Kongreso upang mapabilis ang pagpasa ng mungkahing P3.757 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa susunod na taon.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, marami pang tatalakayin at bubusisiin sa badyet, kaya malabo ang ka-hilingan ni Diokno na ipinarating ni Executive Secretary Salvador “Bingbong” Medialdea sa Senado.
Ani Lacson, hindi kaya ang special session kung ang layunin nito ay mapabilis ang pagpasa sa 2019 budget dahil may malalaking ahensya pa ang nakahanay na isalang sa deliberasyon.
Tumagal ang deliberasyon ng mga senador sa mungkahing badyet nang mayroong nadiskubreng mga bilyun-bilyong pork barrel na ikinarga sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa mga distrito ng mga kongresista.
Isa rito ay ang P75 bilyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi umano alam ng kalihim nitong si Sec. Mark Villar.
109