(NI ABBY MENDOZA)
APRUBADO na sa House Committee on Appropriations ang House Bill 4228 o ang P4.1 Trillion 2020 General Appropriations Bill (GAB).
Inaprubahan ng komite ang panukala sa isang Executive Session.
Kasunod ng naging pag-apruba ng komite sa 2020 budget ay iaakyat na ito sa House Plenary kung saan ngayong Setyembre 10 sisimulan ang plenary debate para sa budget.
Sa iskedyul na itinakda ng Kamara ay dalawang Linggo ang gagawing debate sa plenaryo na isaagawa hanggang araw ng Biyernes at pagkaraan nito ay saka isasalang para naman sa Ikalawa Pagbasa at Ikatlong Pagbasa.
Tiniyak ng House Leadership na makukuha nila ang nauna nang target date na pagpasa sa budget sa Oktubre 4, bago ang break ng mga mambabatas.
Ayon kay House Appropriations Committee Chair Isidro Ungab “in record time” ang kanilang ginawang dalawang linggong budget briefings para sa ibat ibang ahensya ng gobyerno, karaniwan umano kasi ay inaabot ang komite ng hanggang huling Linggo ng Setyembre sa kabilang briefing bago maisumite sa Plenary.
Dinepensahan din ni Ungab ang mabilis na pagtalakay ng kanyang komite sa budget,aniya, naging mabilis ito dahil na rin sa sistema na ipinatupad ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nagkaroon ng 4 na budget briefings kada araw at anv bawat isa ay may tasking.
“Under the effective guidance and leadership of Speaker Cayetano, everyone moved in accordance to his given task, and supported and coordinated with the leadership of the Committee on Appropriations which resulted in the early completion of the budget committee hearings last Friday, September 6. For that, I thank the Vice Chairmen and members of the Committee on Appropriations for their hard work and sense of responsibility,” paliwanagni Ungab.
Samantala sa pagsisimula ng Plenary Debates sa House Bill 4228 ngayong araw ay umapela si House Majority Leader Martin Romualdez sa kanilang kapwa mambabatas na magpokus sa usapin ng pagpasa sa P4.1 Trillion 2020 national budget at iwasan ang grandstanding upang madali itong maipasa.
“I am are banking on the professionalism and discipline of my colleagues who will not do any showing off at the expense of the proposed national budget,” pahayag ni Romualdez na syang chair ng House Committee on Rules.
Ayon naman lay Senior Vice Chair Joey Salceda, walang binago ang komite sa isinumiteng National Expenditure Program ng Department of Budget and Management, wala umanong naging insertions sa budget at walang pork barrel.
Nangunguna ang edukasyon at infrastructure ang may pinakamalaking paglalaan ng panukalang 2020 National budget, ikalawa ang Department of Public Works and Hiways, ikatlo ang Department of Interior and Local Government, ikaapat ang Department of Social Welfare and Development at ikalima ang Department of National defense.
133